WALANG DEADLINE ANG PANGARAP (My graduation vlog)
Sachzna • 119.7K views • 6d ago
Description
Sa lahat ng achievements ko sa buhay…
dito ako pinaka-proud.
Hindi madali maging CEO, actress, content creator, at student at the same time. Pero i’m so proud of myself kasi kinaya ko at kinakaya ko palagi.
Habang nakikita ninyo ako sa harap ng camera, palihim kong tinutupad ang isa sa pinakamahalagang pangarap ko — ang makatapos ng pag-aaral.
Nagsimula akong magtrabaho at the age of 13. That’s why I had to stop studying at the age of 16, kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na agad makapagtapos ng college dahil breadwinner ako. Pero pinangako ko sa sarili ko na matatapos ko ang pag-aaral ko no matter what happens.. kahit anong edad pa ‘yan at kahit ano pang accomplishments ang na-achieve ko na. Walang deadline ang pangarap.
Graduate na ako, sexy love!!!
Today, I am officially a BSOA graduate.
Next goal: Master’s degree.
Because for me…
hindi sapat ang diskarte lang.
Dapat, diskarte at diploma.
At higit sa lahat…
para sa’yo ‘to, Mama.
May kauna-unahang Laparan na nakapagtapos sa pamilya natin!
PS:
May maipagmamalaki na ako sa magiging anak ko balang araw.
And yes…
literal na “it’s Sachzna Baby.” 😉